Hospital arrest hirit ni GMA
MANILA, Philippines - Humiling ng “hospital arrest” si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng kaso niyang plunder.
Sa 20-mosyon ng mga abogado ni Arroyo sa Sandiganbayan, hiniling niya na ‘wag siyang alisin sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) dahil sensitibo umano ang kanyang kalagayan.
Ayon sa kampo ni Arroyo, wala namang pagkakaiba kung sa kulungan o ospital siya nakapiit dahil arestado na rin naman siya.
Ipinauubaya naman ng Malacañang sa desisyon ng korte kung papayagan nito ang kahilingan ni Arroyo. Anuman ang maging desisyon ng korte ay igagalang at ipapatupad ng executive department.
- Latest
- Trending




















