Early voting sa media aprub
MANILA, Philippines - Pinayagan ng Comelec ang petisyon ng ilang mamamahayag na makaboto ng mas maaga sa 2013 elections.
Sa botong 5-1, sinabi ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento na hindi dapat pagkaitan ng kanilang karapatang makaboto ang libu-libong mediamen mula sa 800 printed publications, 297 television stations, 659 FM radio stations at 383 AM radio stations sa bansa.
Isinaalang-alang ng Comelec ang trabaho ng mediamen na nagko-kober ng election day sanhi upang hindi na sila makaboto.
Ang early voting sa media ay magiging manual at hindi automated, tulad ng local absentee voting, at ang boto ng mga ito ay bibilangin sa election day.
- Latest
- Trending





















