Mosyon ni Gloria sa plunder, ibinasura
MANILA, Philippines - Tuluyan nang ibinasura kahapon ng Sandiganbayan ang mosyon ng kampo ng dating Pangulo na ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo na kumukwestyon sa kasong plunder kaugnay ng PCSO fund scam.
Ayon sa first division ng anti-graft court, walang nakitang sapat na mga basehan ang mga mahistrado para baligtarin ang findings ng Ombudsman.
Binigyang diin pa ng Sandiganbayan, moot and academic na ang mosyon ni Arroyo kasunod ng ipinalabas na warrant of arrest laban dito.
Nag-ugat ang kaso laban kay Arroyo sa umano’y maling paggastos sa mahigit P300 milyong intelligence funds ng PCSO sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Sa ngayon ay naka-hospital arrest si Mrs Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) makaraang arestuhin noong nagdaang Huwebes.
- Latest
- Trending