Mga 'hackers', lagot sa Palasyo
MANILA, Philippines - Iginiit ng Malacañang na may ginagawang hakbang ang gobyerno upang papanagutin ang mga ‘hackers’ na siyang bumibiktima sa mga government websites.
Sa media briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, na hindi nila ibibigay ang detalye ng ginagawang hakbang ng gobyerno upang mahuli at makasuhan ang mga hackers na patuloy sa pag-hack sa mga government websites bilang protesta sa pagsasabatas ng anti-CyberCrime Law.
“This hacking is not a positive activity on the part of those who seek to hamper government activities, services online,” sabi ni Lacierda.
Ayon pa kay Lacierda, maging sa ilalim ng E-Commerce Law ay may pananagutan ang mga sinumang hackers.
Aniya, mayroong proper forum upang ilabas ang mga kontra sa nasabing batas ang kanilang pagtutol lalo’t magkakaroon ng public consultations sa pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng anti-CyberCrime Law ngayon.
- Latest
- Trending