MANILA, Philippines - May 22 OFWs na nagtatrabaho bilang medical workers sa isang ospital sa Libya ang inilikas matapos sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng pro at anti-Gadhaffi forces.
Ayon kay Migrante-Middle East regional coordinator John Leonard Monterona, nabatid kay Fr. Allan Arbuche, isang Caritas priest na nakabase sa Tripoli na kadarating lamang umano ng 22 OFWs noong Setyembre 22 at na-pullout sa Misurata noong Biyernes, Oktubre 5.
Nakikipag-ugnayan na ang Migrante-ME sa Embahada ng Pilipinas sa Tripoli upang kumpirmahin ang eksaktong kinaroroonan ng mga inilikas na OFWs.
Base pa sa impormasyon, na-pullout sa Misurata City ang mga Pinoy nang walang koordinasyon mula sa Libyan National Transition Council (NTC) sanhi upang mangamba ang mga manggagawa at humingi ng tulong sa kanilang mga kaanak at kaibigang OFW sa nasabing bansa.
Nananawagan si Monterona sa Department of Foreign Affairs (DFA) na tingnan ang nasabing report at kumpirmahin ang kinaroroonan ng 22 Pinoy nurses.
“The DFA must issue a proper advisory so that the Department of Labor and Employment (DOLE) and the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) could follow in issuing a travel advisory to Libya-bound OFWs whose deployment will be in Misurata City,” ani Monterona. (