MANILA, Philippines - Makatitiyak ang taong bayan sa katapatan at husay sa panunungkulan ng 60-year old corporate executive at social activist na si Ricardo L. Penson, pangunahing kandidato bilang Inde-pendiente sa Senado.
Iniaalok ni Penson sa mamamayang Pilipino na siya ang “viable alternative” o ang tunay at karapat-dapat na maluklok sa Senado na magsusulong ng totoong pagbabago sa bansa. Aniya, “ Panahon na upang pumili ang taong bayan ng alternatibong kandidato na itatapat sa luma at gasgas na sa larangan ng panunungkulan upang makalikha ng bagong pananaw at mukha sa Philippine Senate.”
Sa kasalukuyan, si Penson ang President at chief executive officer ng Ausphil Tollways Corporation, ang nagsusulong ng Katipunan (C5)-La Mesa-San Jose del Monte-Norzagaray Tollway Project.
Kalakip ng Certificate of Candidacy, inihayag ni Penson na siya ang kakatawan sa “tunay” na pagbabago sa paniwalang magbubukas sa kaisipan ng mamamayan na posibleng makapasok ang mga tulad niyang alternatibong kandidato sa politika.
“Ang kailangan ng bansa ay hindi “ang tamang koneksyon sa politika” kundi ang kakayahan ng kandidato na itulak ang “reform-driven initiatives”, ani Penson na chairman-trustee ng People’s Reform Initiative for Social Mobiliza- tion (PRISM) Foundation, isang NGO na ang layunin ay bigyan ng kahandaan sa edukasyon sa pamamagitan ng community based resource mobilization initiatives.