^

Bansa

Independent Senate bet kailangan ng bayan

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Makatitiyak ang taong bayan sa katapatan at husay sa panunungkulan ng 60-year old corporate executive at social activist na si Ricardo L. Penson, pangunahing kandidato bilang Inde-pendiente sa Senado.

Iniaalok ni Penson sa mamamayang Pilipino na siya ang “viable alternative” o ang tunay at karapat-dapat na maluklok sa Senado na magsusulong ng totoong pagbabago sa bansa. Aniya, “ Panahon na upang pumili ang taong bayan ng alternatibong kandidato na itatapat sa luma at gasgas na sa larangan ng panunungkulan upang makalikha ng bagong pananaw at mukha sa Philippine Senate.”

Sa kasalukuyan, si Penson ang President at chief executive officer ng Ausphil Tollways Corporation, ang nagsusulong ng Katipunan (C5)-La Mesa-San Jose del Monte-Norzagaray Tollway Project.

Kalakip ng Certificate of Candidacy, inihayag ni Pen­son na siya ang kakatawan sa “tunay” na pagbabago sa paniwalang magbubukas sa kaisipan ng mamamayan na posibleng makapasok ang mga tulad niyang alternatibong kandidato sa politika.

“Ang kailangan ng bansa ay hindi “ang tamang ko­neksyon sa politika” kundi ang kakayahan ng kandidato    na itulak ang “reform-driven initiatives”, ani Penson na chairman-trustee ng People’s Reform Initiative for Social Mobiliza- tion (PRISM) Foundation, isang NGO na ang layunin ay bigyan ng kahandaan sa edukasyon sa pamamagitan ng community based resource mobilization initiatives.

ANIYA

AUSPHIL TOLLWAYS CORPORATION

CERTIFICATE OF CANDIDACY

LA MESA-SAN JOSE

MONTE-NORZAGARAY TOLLWAY PROJECT

PENSON

PHILIPPINE SENATE

REFORM INITIATIVE

RICARDO L

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with