Pacquiao bumubuo na ng pol. dynasty

MANILA, Philippines - Itinuturing na umano ni Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez na kabilang na ngayon  sa  political dynasty ang angkan ni Sarangani Rep Manny Pacquiao kasunod nang paghahain ng certificate of candidacy ng maybahay nito na si Jinkee bilang bise gober­nador sa Sarangani sa susunod na eleksiyon.

Sina Cong.Pacquiao at misis na si Jinkee ay kapwa nakapagsumite na ng COCs sa Comelec pro­vincial office.

Sinabi ni Bishop Gutierrez na dagdag na nga­yon sa listahan ng mga kilalang angkan ng pulitika sa Sarangani ang mga Pacquiao tulad ng pamilya Chiong­bian, Antonino at Constantino.

Nang tanungin kung epektibong lider si Rep. Pacquiao, gumanti lang din ng tanong na sagot ang obispo kung ilan na ang naiakdang panukalang batas ng kongresista. 

Gayunman, hinangaan ng obispo ang pagiging mapagbigay ng pambansang kamao na aniya’y ina­abuso naman ng iba.

Show comments