^

Bansa

Caloocan ipagkakatiwala ni Recom sa anak

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Ipagkakatiwala ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang pinamamahalaan nitong lungsod sa kanyang panganay na anak na si Liga ng mga Barangay sa Pilipinas, President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri matapos na magkasunod na maghain ang mga ito ng kanilang certificate of candidacy (COC) sa Commission on Election (Comelec) kahapon.

Si RJ na unang nag­hain ng kanyang COC ka­sama ang kanyang mga kapartido sa Liberal Party (LP) ay sinamahan din ng 3,000 kabataang botante na sumusuporta sa kandidatura nito para sa 2013 election.

Kabilang din sa line-up ng LP sina Tito Varela na tatakbong vice-mayor, mga konsehal na sina Marylou Nubla, Ferdinand Gundayao, Henry Camayo, Andres Mabagus, Atty. Bullet Prado, Dra. Susan Punzalan para sa unang distrito habang sa ikalawang distrito naman ay sina Chito Abel, Carol Cunanan, Tino Bagus, L.A. Asistio, Arnold Divina at Allen Aruelo.

Matapos naman ang paghahain ng mga ito ng kanilang kandidatura ay nagtungo sa Comelec main office sa Intramuros si Mayor Recom upang maghain ng kanyang kandidatura bilang kinatawan ng unang distrito kasama ang mahigit sa 100 kapitan ng barangay sa buong lungsod.

Samantala, nagpahayag ng suporta si dating 2nd District Congressman Baby Asistio sa kandidatura ni RJ Echiverri kasabay ng pagtitiyak nito na tutulungan niya ang nakababatang Echiverri sa election sa 2013. 

vuukle comment

ALLEN ARUELO

ANDRES MABAGUS

ARNOLD DIVINA

BULLET PRADO

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CAROL CUNANAN

CHITO ABEL

COMELEC

COUNCILOR RICOJUDGE

DISTRICT CONGRESSMAN BABY ASISTIO

ECHIVERRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with