^

Bansa

Padaca magpipiyansa

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang anumang sagabal sa kanyang pag-upo bilang komisyuner ng Commission on Elections (Comelec), maglalagak ng piyansa si dating Isabela Gov. Grace Padaca.

Una nang sinabi ni Padaca na hindi sana siya magpipiyansa sa kasong graft and corruption bilang simbolo ng protesta at habang nakabinbin pa ang kanyang apela sa Korte Suprema.

Subalit sa kanyang pagkakatalaga bilang bagong commissioner ay handa siya na magpiyansa upang magampanan niya ang kanyang tungkulin sa Comelec.

Nabatid na noong nakaraang Mayo 2012 pa naglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban kay Padaca subalit ibinalik ng mga awtoridad ang warrant of arrest sa korte noong Hunyo dahil hindi umano makita si Padaca sa address na nakasaad.

Si Padaca ay pinagpipiyansa ng P40,000 para sa kasong malversation of public funds at P30,000 para sa kasong graft and corruption na isinampa sa kanya kaugnay sa umano’y maanomalyang proyekto na hindi dumaan sa tamang bidding process.

Nagtataka naman ang Sandiganbayan kung bakit hindi makita ang dating lady governor gayong lagi itong nakikita sa mga television interviews at ilang public gatherings tulad na lamang noong burol ng namayapang si DILG Secretary Jesse Robredo.

Nang tanungin si Presidential Spokesman Edwin. Lacierda kung ano ang nagiging dahilan bakit hindi naaresto noon si Padaca ay “I don’t know’ ang ta­nging tugon ng tagapagsalita ng Palasyo.

Sinabi naman ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr  na maaaring makuwestiyun ang pagkakahirang kay Padaca dahil nakasaad sa Constitution na ang itatalagang Comelec Chairman at Commissioners ay hindi dapat naging bahagi ng nakaraang halalan.

Si Padaca ay tumakbong governor noong 2010 elections subalit natalo. (Doris Borja/Rudy Andal)

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

DORIS BORJA

GRACE PADACA

ISABELA GOV

KORTE SUPREMA

PADACA

SI PADACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with