^

Bansa

Balanseng sin tax bill giit ng tobacco farmers

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sa gitna nang napi­pintong pagsusumite sa plenaryo ng ulat ni Sen. Ralph Recto, chairman ng Senate Committee on Ways and Means ng report tungkol sa Sin Tax Bill, iginiit kahapon ng mga magsasaka ng tobacco ang balanseng posisyon ng mga senador tungkol sa panukala.

Nagpasalamat din ang Philippine Tobacco Growers Association (PTGA) kay Recto dahil nabigyan sila ng mas mahabang oras para ipaliwanag ang kaniyang posisyon taliwas sa nangyari sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Inihayag ni Saturnino Distor, pangulo ng PTGA na limang minuto lamang ang ibinigay sa kanila ng komite sa House of Representatives para ipaliwanag ang kanilang panig sa panukalang batas na naglalayong itaas ang excise tax sa mga sin products.

Samantala, ipinunto ni Distor na hindi ang interes ng malalaking kompanya ng tobacco ang nanaig sa Kamara kundi ang kagustuhan ng Department of Finance na magpataw ng malaking excise tax.

Naniniwala si Distor na mas naging patas ang mga senador sa pagdinig sa kanilang panig.

Isusumite na ni Recto sa pagpapatuloy ng ses­yon ng Senado sa Lunes ang committee report matapos ang serye ng pagdinig sa panukalang excise tax sa sigarilyo at alak.

“All sectors and stakeholders were able to pre­sent their position during a five-hour hearings that discussed the pending bills on the proposed excise tax hikes and the impact on the economy and affected stakehol­ders,” pahayag ni Recto.

DEPARTMENT OF FINANCE

DISTOR

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MABABANG KAPULUNGAN

PHILIPPINE TOBACCO GROWERS ASSOCIATION

RALPH RECTO

SATURNINO DISTOR

SENATE COMMITTEE

SIN TAX BILL

WAYS AND MEANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with