MANILA, Philippines - Ihahayag ngayon ni Pangulong Aquino ang 12 kandidato ng administrasyon para sa 2013 elections sa Club Filipino Greenhills, San Juan.
Ang 12 senatorial line-up ng Liberal Party-Nacionalista Party-Nationalist Peoples Coalition (LP-NP-NPC) ay sina dating Sen. Ramon Magsaysay Jr., Aurora Rep. Sonny Angara, businessman Bam Aquino, MTRCB chairperson Grace Poe-Llamanzares, dating Sen. Jamby Madrigal, dating Akbayan Rep. Rissa Hontiveros-Baraquel, Sen. Koko Pimentel, Sen. Alan Peter Cayetano, dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar, Sen. Antonio Trillanes IV, Sen. Chiz Escudero at Sen. Loren Legarda.
Ito ang itatapat ng LP sa mga pambato ng United Nationalist Alliance (UNA) nina Vice-President Jejomar Binay at dating Pangulong Erap Estrada.
Common candidate ng LP at UNA sina Legarda, Escudero at Llamanzares.
Una nang nagbabala si Sen. Miriam Defensor-Santiago na posibleng walang makuhang suporta sa magkabilang kampo ang mga kakandidatong senador na tatakbo bilang common candidates ng administrasyon at ng oposisyon.
Ayon kay Sen. Santiago, problema tuwing eleksiyon kung papaano kukumbinsihin ang isang tatakbong senador na dalhin ang buong ticket dahil kadalasan ay sarili lamang nito ang kaniyang ikinakampanya.