'Lawin' lalung lumakas
MANILA, Philippines - Kung sobrang init ng panahon kahapon sa Metro Manila, matinding pag-uulan naman ang nararanasan sa hilagang bahagi ng Northern Luzon dahil tinutumbok ito ng bagyong Lawin na lalu pang lumakas.
Alas-11 ng umaga kahapon, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 520 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 205 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 240 km bawat oras.
Bagamat hindi pa rin tatama sa kalupaan ang sentro ng bagyo lalapit naman ito sa mga kalupaan ng Northern Luzon.
Nakataas pa rin ang signal number 1 sa Isabela, Cagayan, Calayan at Babuyan Group of Islands.
- Latest
- Trending