^

Bansa

Spy planes ng China sa WPS binabantayan

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Ipinagkibit-balikat lamang kahapon ng Department of National Defense (DND) ang napaulat na pagpapalipad ng China ng spy planes sa Spratly Islands sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Dr. Peter Paul Galvez, spokesman ng De­fense department, wala naman problema sa naturang hakbangin ng China kung ang kanilang spy planes ay lilipad lamang sa loob ng kanilang Exclusive Economic Zone sa pinag-aagawang teritoryo.

Nabatid na patuloy naman ang monitoring ng Phi­lippine Navy at Philippine Air Force sa naturang spy planes ng China.

Sinasabing ilang drones spy plane ng China ang namonitor na lumipad sa WPS sa Spratly Island sa Palawan at maging sa Scarborough Shoal, may 124 nautical miles ang layo sa Masinloc, Zambales.

Binigyang diin ng opisyal na alinmang bansa na kabilang sa mga nag-aagawan sa pag-aangkin sa teritoryo ng Spratly Islands ay may kalayaan na gamitin ang lahat ng kanilang kapabilidad sa pagbabantay ng kani-kaniyang teritoryo at maging sa international waters.

BINIGYANG

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

DR. PETER PAUL GALVEZ

EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE

IPINAGKIBIT

PHILIPPINE AIR FORCE

SCARBOROUGH SHOAL

SPRATLY ISLAND

SPRATLY ISLANDS

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with