Senior, junior justices 'no show' sa SC flag raising

MANILA, Philippines - Kapansin-pansin na kakaunting empleyado ng Korte Suprema angdumalo sa isinagawang flag raising ceremony  at “no show” ang halos lahat ng junior justices lalo na ang senior justices.

Sa nasabing seremonya, tanging si Associate Justice Jose Perez ang nakadalo na late at tinawag ni SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno na tumabi sa kanya.

Nakahabol naman sa flag ceremony si Philippines Judicial Aca­demy Chancellor retired Justice Adolfo Azcuna at JBC member retired Justice Regino Hermosisima Jr.

Ito pa lamang umano ang pinakaunang pagkakataon na kakaunti ang mga dumalo sa regular na flag raising ceremony.

Samantala, ikinatuwa naman ni Sereno ang presensiya ng ilang mga estudyante mula sa St. Scholastica Manila’s Communication Society para ipakita ang kanilang suporta sa hudikatura.

Nabatid na naging kontrobersiyal ang pagkatalaga ng Pangulong Benigno Aquino III kay Sereno na mistulang hindi katanggap-tanggap sa mga kasamahan na humantong pa sa pagkuwestiyon sa kaniyang psychological examination.

Show comments