MANILA, Philippines - Umabot sa 1,196 aplikante ang nakapasa sa pagsusulit na ginawa para makapasok bilang estudyante ng Philippine Military Academy (PMA) ngayon taon.
Ayon kay Capt. Agnes Lynnette A. Flores, public affairs officer ng PMA, sa 1,196 successful examinees, 792 dito ay kalalakihan, habang 404 ay babae.
Ito anya ay nagre-reflect sa 66 porsiyento mula sa 34 porsiyento ng ratio ng babae at lalaki.
May kabuuang 14,829 aplikante ang kumuha ng entrance examination sa PMA kung saan may 14,540 ang nakakumpleto ng written test.
Sabi ni Flores, ang mga kumuha ng pagsusulit ay babalitaan ng PMA Office of Cadet Admission sa resulta ng eksaminasyon at bibigyan ng instructions hingil sa kumpletong pagsasagawa ng physical examination, ang ikalawang yugto ng selection process, na kailangan ng isang kandidatong kadete na ipasa para maitalaga bilang miyembro ng PMA Class 2017 na opisyal na tatanggapin ng PMA sa April 1, 2013.