Trillanes lumaki ang ulo - Erap

 MANILA, Philippines - Maging si dating Pa­ngulong Joseph Estrada ay hindi natuwa kay Sen. Antonio Trillanes na mas­ yado na umanong lumaki ang ulo.

“Mabuti nga nagkakasya pa ang ulo niya (Trillanes) sa elevator,” sabi ni Estrada sa phone-patch interview ng mga Senate media.

Tahasan ding tina­ wag na ingrato ni Estrada si Trillanes matapos harapan nitong pinaratangan na nambu-bully si Senate President Juan Ponce Enrile kamakalawa.

Ipinaalala pa ni Estrada na tumakbo sa ilalim ng Genuine Opposition si Trillanes at tinulungan nila ito noong 2007 election.

Ipinahiwatig pa ni Estrada na mapagsamantala si Trillanes na palipat-lipat ng partido.

Ayon pa kay Estrada, maliwanag na ga­gawing lahat ni Tril­lanes para lalo sumikat kahit pa masaga­saan nito ang ilang respetadong tao katulad ni DFA Secretary Albert del Rosario.

Sinabi pa ni Estrada na isang malaking pagkakamali ang ginawa nilang pagtulong kay Trillanes noong 2007. 

Show comments