US troops binabantayan vs Muslim attacks
MANILA, Philippines - Bantay-sarado ngayon ang tropang Kano sa rehiyon ng Mindanao kaugnay ng tumitinding galit ng mga Muslim sa kontrobersyal na anti-Islamic film na “The Innocence of Muslims “.
Sinabi ni AFP Western Mindanao Command Spokesman Col. Randolph Cabangbang, mahigpit nilang binabantayan ang seguridad ng American troopers na nagsasagawa ng anti-terrorism training sa kanilang counterpart sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Naglabas na ng direktiba si AFP Western Command Chief Lt. Gen. Noel Caballes na tiyakin ang kaligtasan ng US forces na nasa rehiyon ng Mindanao.
Sa kasalukuyan ay nasa 500 opisyal at enlisted personnel ng US Joint Special Operations Task Force na naitatag simula pa noong 2002 ang nakadeploy sa Zamboanga City, Sulu at Basilan.
Nabatid na mula nang paigtingin ang presensya sa Pilipinas ay nasa 17 US servicemen na ang nasawi sa pagtulong sa AFP counterpart sa kampanya laban sa terorismo na naglalayong mapanatili ang peace and order sa Mindanao.
- Latest
- Trending