^

Bansa

Reyes bros. tugis na sa Thailand!

- Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Pinaghahanap na ng Thailand authorities ang magkapatid na sina da­ting Palawan Governor Joel Reyes at Coron, Palawan Mayor Mario Reyes na wanted sa pagpatay sa brodkaster at environmentalist na si Gerry Ortega matapos na kumpirmahin ng Bureau of Immigration (BI) na sa nasabing bansa sila nagtatago sa ngayon.

Ayon sa ulat, si­nimulan nang tugisin ng mga awtoridad sa Thailand ang magkapatid na Reyes bagaman wala pang pormal na kahili­ngan ang Embahada ng Pilipinas.

Ayon sa BI noong Miyerkules, dumating sa Thailand ang dating gobernador gamit ang pasaporte na may pa­ngalan na Joseph Lim Pe at naispatan sa southwestern Thailand. 

Ang magkapatid na Reyes na may warrant of arrest at nagtataglay ng kanilang Filipino name ay una nang kinansela ang mga pasaporte ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang hindi makalabas ng bansa.

Gayunman, gumamit ng pekeng passport na may ibang pangalan at kasabwat diumano ang mga tiwaling BI agents kaya nakalabas ang mga ito sa bansa noong Marso, 2012 bago ang pagpapalabas ng korte ng warrant of arrest hinggil sa kasong pagpatay kay Ortega noong Enero 2011.

Unang iniulat na pumuslit ang magkapatid na Reyes patungong Vietnam gamit ang mga pekeng passport na may ibang pangalan.

Kaugnay nito, handa naman ang DFA na mu­ling kanselahin ang mga pekeng pasaporte na sinasabing ginamit ng magkapatid na Reyes patungong Thailand.

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

CORON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

GERRY ORTEGA

JOSEPH LIM PE

PALAWAN GOVERNOR JOEL REYES

PALAWAN MAYOR MARIO REYES

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with