2 dam nagpakawala ng tubig
MANILA, Philippines - Nagpakawala ng tubig ang Ipo dam sa Bulacan at Binga dam sa Benguet bunga ng pagtaas ng level ng tubig dito bunsod ng patuloy na pag-ulan doon.
Ayon sa Pagasa, kahapon ng umaga ay umabot sa 101.17 meters ang water level sa Ipo dam, mas mataas ng 100.08 meter ng water level na naitala ng kaparehong oras noong Biyernes.
Habang ang level naman ng tubig sa Binga ay tumaas ng hanggang 574.83 meters mula 574.70 noong Biyernes na mas mababa naman sa 575-meter na water level dito.
Samantala sarado na ang gate ng Magat dam mula pa noong Biyernes nang bahagyang bumaba sa 192.26 meters ang water level nito mula sa 192.35 meters.
- Latest
- Trending