MANILA, Philippines - Umabot sa P1.54 bilyon ang itinaas na pension ng mga Senior Citizen para sa isang taon.
Sinabi ni House deputy speaker Erin Tañada madaragdagan ng 47,000 senior citizen ang kasalukuyang 185,914 na nakatatanggap ng P500 financial assistance kada buwan.
Ayon kay Tañada, ngayon ang pondo ng Social Pension for Indigent Filipino Senior Citizens ay P1.2 bilyon. Kasama ito sa P56.2 bilyong budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi ni Tanada, puwede pang dagdagan ang mga nakikinabang na senior citizens sa programa kung kukuha ng dagdag na pondo mula sa savings ng gobyerno. Sa kasalukuyan ang mga 77 anyos lamang pataas ang kasali sa programa.
Sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act of 2010 (RA 9994) ang mga senior citizens lamang na walang regular na pinagkakakitaan ang mabebenepisyuhan.