'Karen' super typhoon na
MANILA, Philippines - Ganap nang isang super typhoon ang bagyong Karen habang patuloy na nananatili sa may East Philippine Sea papunta sa hilaga hilagang kanlurang direksiyon.
Alas-11 ng umaga kahapon, si Karen ay namataan ng Pagasa sa layong 740 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hanging 185 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 220 kilometro bawat oras at kumikilos pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Ngayong Sabado, si Karen ay inaasahang nasa layong 770 kilometro silangan ng Southern Taiwan at sa Linggo ng umaga ay inaasahang nasa layong 600 kilometro silangan ng northern Taiwan.
Patuloy na pag-iibayuhin ni Karen ang habagat na siyang magbibigay ng mga pag-uulan sa Metro Manila at manaka-nakang ulan hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.
- Latest
- Trending