Tax case inisnab ni Mikey

 MANILA, Philippines - Inisnab ni Ang Galing Partylist Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo ang unang pagdinig ng Court of Tax Appeal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay ng kanyang tax evasion case.

Kahapon, tanging si Atty. Alberto Ruy Rondain, abogado ni Mikey ang sumipot sa naturang hearing para sa 3-counts ng tax evasion case na nakasampa dito laban sa kanyang kliyente.

Patuloy pa ang pagbusisi ng korte sa kaso ng batang Arroyo sa sala ni First Division Associate Justice Esperanza Fabon Victorino.

Magugunitang si Mikey ay kinasuhan ng P74-mil­yong tax evasion dahilan sa umano’y kabiguan nitong magbayad ng tamang buwis noong taong 2007, 2008 at taong 2009.

Show comments