^

Bansa

NPC 'di kakalas sa LP

Nina - Butch Quejada/Gemma Garcia - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Hindi kakalas ang Nationalist People’s Coalition (NPC) party at mananatili ito sa alyansa ng Liberal Party ni Pangulong Aquino.

Ito ang mariing sinabi kahapon ni Valenzuela Rep. Rex Gatchalian, spokesman ng NPC, matapos nitong pabulaanan ang sinabi ni Sen. Tito Sotto na kakalas sa administration coalition ang kanyang partido.

Napag-alaman, nag-uusap na daw ang NPC at LP kasama pa ang dalawang political party.

Giit ng kongresista, mata­tag ang pakikipag-alyansa nila sa LP para sa darating na 2013 mid-term elections at bilang katunayan umano patuloy ang kanilang proseso para sa mas maayos na pakikipag-alyansa.

Ayon sa ulat, sinabi ni Sen. Sotto na maaring kumalas ang NPC kung hindi masusunod ang equity of the incumbent sa mga lokal na posisyon.

Iginiit nito na baka iba ang interpretasyon sa pahayag ni Sotto o nabigyan ito ng maling impormasyon nang magbigay ng statement tungkol sa susunod na hakbang ng NPC kapag nagkaproblema sa isyu ng equity of the incumbent.

Nauna rito, nalagay si Sotto sa kontrobersya dahil sinasabing kinopya lamang nito ang bahagi ng kanyang speech sa pagtutol sa pagsasabatas ng Reproductive Health bill. 

AYON

GIIT

LIBERAL PARTY

NATIONALIST PEOPLE

PANGULONG AQUINO

REPRODUCTIVE HEALTH

REX GATCHALIAN

SOTTO

TITO SOTTO

VALENZUELA REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with