^

Bansa

Kudeta binalewala ni Enrile

- Malou Escudero - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Binalewala ni Senate President Juan Ponce Enrile ang kumakalat na tsismis sa Senado na may nagbabalak na i-kudeta siya.

Sa halip, nagpasa­lamat pa si Enrile sakaling matuloy ang kudeta dahil magkakaroon na umano siya ng panahon para makapagpahinga.

“Okay lang. Thank you…Thank you dahil maibibigay na ang obligasyon ng senate president…hindi ka makapas­yal eh,” sabi ni Enrile.

Nakatitiyak si Enrile na sakaling may pumalit sa kaniya makakaya nito ang trabaho ng isang senate president.

Sa hiwalay na pana­yam sinabi ni Senator Franklin Drilon na wala siyang alam sa sinasabing kudeta sa Senado.

Sakaling mayroon man umanong nagtatangka, hindi nito bahagi si Drilon.

Samantala, itinanggi ni Sen. Manny Villar na humihingi ng tulong ang Liberal Party sa Nacionalista para sa sinasabing planong kudeta kay Enrile.

Inihayag din ni Villar na wala namang usapan ng kudeta at ispekulasyon lamang ang naturang isyu. 

BINALEWALA

DRILON

ENRILE

INIHAYAG

LIBERAL PARTY

MANNY VILLAR

NACIONALISTA

NAKATITIYAK

SENADO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with