Air pollution, unang sanhi ng lung cancer
MANILA, Philippines – Sinasabing 60 percent ng kaso ng lung cancer sa bansa ay sanhi ng air pollution, ayon sa isang doctor-professor na humarap sa hearing sa Senado kamakailan.
Sinabi ni Dr. Tony Dans ng University of the Philippines College of Medicine, doktor din sa Philippine General Hospital (PGH), 60% ng mga nagtataglay ng nasabing sakit ay dahil sa maruming hangin o air pollution.
Ginawa ni Dans ang pahayag matapos tanungin ni Senator Pia Cayetano tungkol sa pahayag ng isang ‘small cigarette manufacturer’ na ang motor vehicle pollution ang pangunahing sanhi ng lung cancer.
Ayon din umano sa mga data na nakalap ng mga health at environment officials, ang air pollution na nanggagaling sa gas emissions ang leading cause ng respiratory infections at sakit sa Metro Manila.
Sinabi mismo ni Health Secretary Enrique Ona na noong Pebrero, nagbabala ito sa publiko kaugnay sa lumalalang “health risks” ng air pollution, kung saan 80 porsiyento ay mula sa motor vehicles.
Inihayag din ng isang Mike Aragon, sa ginanap na Clean Air Summit noong Pebrero na nasa “65 hanggang 80 porsiyento” ng air pollution ay nagmula sa dalawang milyong sasakyan sa Metro Manila.
- Latest
- Trending