^

Bansa

Serbisyo sa senior citizens palalakasin

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isinusulong ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada ang panukalang pag-isahin na lang ang mga batas na may kinalaman sa mga senior citizen.

Sa Senate Bill 3234 o Senior Safety and Ser­ vice Act of 2012 na isinampa ni Estrada, pa­lalakasin pa ang serbisyo ng pamahalaan sa mga matatandang mamamayan.

Inaatasan ng panukala ang DOJ sa pamamagitan ng NBI, DILG at PNP na gumawa ng kaukulang hakbang para mapangalagaan ang mga matatanda at masugpo ang mga krimeng tuma­target o nakakaapekto sa mga lolo at lola.

Nakatuon din ang pa­nukala ni Estrada sa mga pag-aabuso sa mga se­nior citizens at kung paano ang ginagawa ng pamahalaan para matugunan ito.

“Naniniwala ako na dapat gawin ng pama­halaan ang lahat ng pagsisikap para mapanga­lagaan at masuportahan ang mga senior citizen na kolektibong nakaambag sa pag­papaunlad ng lipunan noong bata pa sila, noong mga taon na produktibo sila at patuloy na nakakagawa nito sa pamamagitan ng kanilang karanasan at katalinuhan,” sabi pa niya. (Rudy Andal)

INAATASAN

ISINUSULONG

NAKATUON

NANINIWALA

RUDY ANDAL

SA SENATE BILL

SENATE PRESIDENT PRO-TEMPORE JINGGOY ESTRADA

SENIOR SAFETY AND SER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with