^

Bansa

Leptospirosis case lumobo ng 106%

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tulad ng dengue, tumaas din ang kaso ng mga tinamaan ng sakit na leptospirosis sa bansa matapos ang mga pagbaha.

Sa Disease Surveillance Report ng National Epidemiology Center (NEC) ng DOH, nakapagtala ng 3,410 leptospirosis cases simula Enero 1 hanggang Agosto 25 lamang ng taong 2012.

Mas mataas ito ng 106.54% kumpara sa 1,651 kaso na naitala sa parehong petsa noong 2011. Maging ang bilang ng mga namatay sa sakit ay tumaas din ngayong taon na umabot ng 149, kumpara sa 142 deaths noong 2011.

Ayon sa DOH-NEC, ang paglobo ng kaso ng leptospirosis ay bunsod nang flash floods sa Cagayan de Oro at monsoon rain floods na nakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon.

Pinakamarami umanong kaso ng sakit sa National Capital Region (NCR) na umabot ng 938 kaso, sumunod ang Region X, 925 kaso at Region V1, 474 kaso.

Mataas din ang bilang ng mga namatay sa sakit sa Region VI na uma­bot sa 37, sumunod ang NCR, 31 at pangatlo ang Regions 1, 2 at 4-A na may tig-12 leptospirosis deaths.

Sa NCR, pinakamaraming tinamaan ng leptospirosis sa Maynila na umabot sa 236 kaso, sumunod ang Quezon City, 158 kaso, at pangatlo ang Malabon, 116 habang sa Quezon City naitala ang pinakamalaking bilang ng mga nasawi na umabot sa 11, sumunod ang Maynila, Makati at Parañaque na may tig-4.

Kabilang sa mga nabiktima ay wala pang dalawang buwang gulang hanggang 93 taong gulang. Karamihan ay mga lalaki at nasa 21-30 years age group. 

Patuloy naman ang paalala ng DOH sa mga taong naninirahan sa mga lugar na hanggang nga­yon ay lubog sa baha na huwag lumusong upang makaiwas sa leptospirosis na nakukuha mula sa ihi ng daga.

Kung hindi maiiwasan ang paglusong sa tubig-baha ay magsuot ng protective gears tulad ng bota.

Iginiit pa ng DOH na ang leptospirosis ay hindi lamang sa baha nakukuha kundi maging sa putik na kontaminado ng ihi ng daga o kaya’y sa mga pagkain na naihian ng daga. (Doris Borja)

DORIS BORJA

KASO

LEPTOSPIROSIS

MAYNILA

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

QUEZON CITY

REGION X

SA DISEASE SURVEILLANCE REPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with