Pagpatay sa UNA member kinondena

MANILA, Philippines -  Mariing kinondena ng United Nationalist Alliance (UNA) coalition ang pagpatay sa miyembro nilang si Makati Engr. Nelson Morales, na may planong tumakbo sa mayoralty post sa Malinao, Albay.

Ayon kay UNA secretary-general Cong. Toby Tiangco, labis silang na­aalarma at nagagalit sa naturang insidente ba­ga­mat kumpiyansa rin umano sila na mapaparusahan ang mga taong may kagagawan ng krimen.

“UNA hopes the autho­rities will be able to arrest those behind this despicable act,” ani Tiangco.

Si Morales ay nabatid na tinambangan ng tatlong armadong lalaki habang papalabas ng simbahan sa Albay kahapon at namatay din habang ginagamot sa pagamutan.

Siya rin ay pinagkaka­tiwalaang opisyal nina Vice President Jejomar Binay at ng kaniyang anak na si Mayor Jun Binay, dahil nagsilbi itong city engineer sa Makati noong panahong si VP Binay pa ang alkalde ng lungsod.

Si VP Binay ay mi­yembro ng executive com­mittee ng UNA habang si Mayor Jun naman ay may intensiyong muling tumakbo sa mayoralty post sa Makati sa 2013 sa ilalim ng naturang partido.

Show comments