MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje ang mga real estate developers at mga prospective buyers ng lupa’t bahay o lote na kumuha muna ng geohazard maps mula sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) upang matiyak na hindi maaapektuhan ng lindol ang ari-arian at kanilang buhay.
Sinabi ni Paje, ang geohazard maps ay maa aring makita sa websites ng DENR (www.denr.gov.ph), MGB (www.mgb.gov.ph), Philippine Information Agency (www.pia.gov.ph) at Environmental Science for Social Change (www.essc.org.ph).
Ginawa ang hakbang upang matulungan ang publiko na huwag masayang at hindi maglahong parang bula ang pinaghirapan kapag bumili ng lupa o ng bahay at lupa sa alinmang panig ng bansa.
Sa geohazard mapping at assessment program ng DENR, ang ilan sa top 10 flood-prone areas ay ang Metro Manila, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Maguindanao, Bulacan, North Cotabato, Oriental Min doro at Ilocos Norte.
Ang top ten landslide-prone areas naman ay ang Benguet, Mt. Pro vince, Nueva Ecija, Kalinga-Apayao, Southern Leyte, Abra, Marinduque, Cebu, Catanduanes at Ifugao.