^

Bansa

Dahil sa aktibong mga fault Geohazards maps tignan muna bago magtayo, bumili ng bahay

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Pinayuhan ni Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje ang mga real estate developers at mga prospective buyers ng lupa’t bahay o lote na kumuha muna ng geohazard maps mula sa  Mines and Geosciences Bureau (MGB) upang matiyak na hindi maaapektuhan ng lindol ang ari-arian at kanilang buhay.

Sinabi ni Paje, ang geo­hazard maps ay maa­ aring makita sa websites ng DENR (www.denr.gov.ph), MGB (www.mgb.gov.ph), Philippine Information Agency (www.pia.gov.ph) at Environmental Science for Social Change (www.essc.org.ph).

Ginawa ang hakbang upang matulungan ang publiko na huwag masa­yang at hindi maglahong parang bula ang pinaghirapan kapag bumili ng lupa o ng bahay at lupa sa alinmang panig ng bansa.

Sa geohazard mapping at assessment program ng DENR, ang ilan sa top 10 flood-prone areas ay ang Metro Manila, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Maguindanao, Bulacan, North Cotabato, Oriental Min­ doro at Ilocos Norte.

Ang top ten landslide-prone areas naman ay ang Benguet, Mt. Pro­ vince, Nueva Ecija, Ka­linga-Apayao, Southern Leyte, Abra, Marindu­que, Cebu, Catandua­nes at Ifugao.

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES SECRETARY RAMON PAJE

ENVIRONMENTAL SCIENCE

ILOCOS NORTE

METRO MANILA

MINES AND GEOSCIENCES BUREAU

MT. PRO

NORTH COTABATO

NUEVA ECIJA

ORIENTAL MIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with