^

Bansa

Recom nagpasalamat sa DOLE-NCR

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagpasalamat si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa Department of Labor and Employment (DOLE) National Capital Region (NCR) dahil sa pakikipagtulungan nito sa lokal na pamahalaan na na­ging dahilan upang magtagumpay ang programang Labor Education for Graduating Students (LEGS).

 Dahil dito, umabot sa 23,247 college gradua­ting students ang nakinabang sa LEGS na layu­ning maturuan ang mga magtatapos sa kolehiyo kung paano makakuha ng maayos na mapapasukang trabaho.

Ayon kay Echiverri, ang proyektong ito ng lokal na pamahalaan at ng DOLE-NCR ay isang paraan upang matulu­ngan ang mga magtatapos sa kolehiyo kung paano matatanggap sa kanilang aaplayang trabaho.

Kabilang sa itinuturo sa LEGS ay ang mga paraan kung paano haharap sa interview, tamang pagsasalita, pananamit, pagsagot at iba pa na siyang makatutulong sa mga college graduating students na matanggap sa papasukang trabaho.

Nabigyan din ng seminar ang 42,143 high school students ng kaalaman sa pagkuha ng tamang kurso sa kolehiyo.

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

DAHIL

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

ECHIVERRI

GRADUATING STUDENTS

KABILANG

LABOR EDUCATION

NABIGYAN

NATIONAL CAPITAL REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with