PCSO may Operation Smile Harelip/Cleft mission sa Nov.

MANILA, Philippines - Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pamumuno ni Chairperson Margarita P. Juico ay magdaraos ng Operation Smile Harelip/Cleft mission sa 150 pasyente sa Ospital ng Angeles sa Angeles City, Pampanga sa Nobyembre 8 to 17.

Inaayudahan ng PCSO ang Kapampangan Development Foundation (KDP) sa mga kawanggawang misyon nito. Magkabalikat ang PCSO at KDF sa ilalim ng pangulo nitong si Benny Ricafort, sa mga nagdaang proyektong pangkawanggawa para sa mga mamamayan ng Pampanga.

Ang sino mang interesadong sumailalim sa operasyon ay maaaring kontakin ang mga mobile number na 09175628673, 0454580027, 09193604486 at hanapin si Social Worker Melissa Basconillo ng PCSO.

Show comments