^

Bansa

6 kinasuhan ng smuggling sa DOJ

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng smuggling sa Department of Jus­tice  (DOJ) ang anim katao dahil sa pagpasok ng iba’t ibang uri ng magagarang sasakyan sa bansa.

Pinangunahan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Bia­zon ang pagsasampa ng kaso laban sa JV&A Enterprises na pag-aari ni Alejandro Alberto Milanes ng Bangkal, Davao City; at mga opisyal ng Cebu’s Total Golden Motor Care Inc., na sina President Chi Myung Jong, Johanna Lariosa, Lee mee Lee, Felimer Lee at Godofredo Gimongala.

Umaabot sa 23 iba’t ibang uri ng magagarang sasakyan na tinatayang nasa P18 mil­yon  ang ha­laga ng nasabing smuggled vehicles.

Ayon kay Commissioner Biazon, ipinasok ang 2 forty footer con­tainer van na misdeclared at smuggled vehicles sa Mindanao Container terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Mayo at Hunyo 2011 kung saan naglalaman ng 2 Mercedez Benz, Ford Explorer 4x4, Dodge  Durango, 4 na Toyota Vitz, Starex at Soreno.

May kabuuan namang halaga na P13 milyon ang kargamento ni Milanes habang P5 milyon naman sa Total Golden Care Inc.na nadiskubreng ipi­nasok sa bansa ng walang kaukulang import permit.

Samantala, ibinida rin ni Biazon ang kanilang kauna-unahang court con­viction laban kay Danilo Villar, may-ari ng Vill Gay Forwarding at sa Customs broker na si Danilo Opiniano na napatuna­yan ng Manila Regional Trial Court na guilty sa kasong paglabag sa Tariff and Customs Code of The Philippines.

A ENTERPRISES

ALEJANDRO ALBERTO MILANES

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER BIAZON

COMMISSIONER RUFFY BIA

DANILO OPINIANO

DANILO VILLAR

DAVAO CITY

DEPARTMENT OF JUS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with