^

Bansa

Walang dapat ipangamba sa El Niño - NIA

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Iginiit kahapon ng National Irrigation Administration (NIA) na walang dapat ipangamba sa tagtuyot dahil may sapat na water supply ang buong bansa kahit pa dumating ang El Niño phenomenon.

Ayon kay NIA Admi­nistrator Antonio Nangel, patuloy nilang minomonitor lahat ng irigasyon sa bansa at kumpiyansa sila na hindi maapektuhan ang mga magsasaka sa El Niño na inaasahang papasok sa last quarter ngayong taon.

Ayon sa ulat ng PAGASA, posible umanong dumating ang El Niño nga­yong last quarter ng 2012.

“Mas natatakot kami kapag tag-ulan dahil ito ang malakas makasira ng ating irigasyon. Pero ngayong tagtuyot meron tayong sapat na supply,” pahayag ni Nangel.

Ani Nangel, patuloy din ang pagsasaayos ng lahat ng mga nasirang irigasyon nitong panahon ng kalamidad bilang pagha­handa na rin sa posibleng pagdating ng tagtuyot.

Samantala, hindi na­man inaprubahan ni Exe­cutive Secretary Paquito Ochoa Jr. ang P690 mil­yong pondo para sa pagpapagawa ng NIA sa mga nasirang irigasyon noon pang panahon ng bagyong Sendong.

Pero nangako naman daw umano si Budget Secretary Butch Abad na gagawa ito ng paraan para mabigyan ng pondo ang NIA para tuluyan ng maisaayos ang mga nasirang irigasyon. 

ANI NANGEL

ANTONIO NANGEL

AYON

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

EL NI

IGINIIT

NANGEL

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

PERO

SECRETARY PAQUITO OCHOA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with