^

Bansa

Testimonya ng mga suspek ire-record na

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Gagawin ng electronically recorded ang pagkuha ng testimonya sa mga suspek upang maiwasan ang maling paghatol sa mga ito.

Sa House bill no. 4341 ng mag-inang Pampanga Rep. Gloria Arroyo at Camarines Sur Rep. Datu Arroyo, layunin nito na maiwasan ang maling paghatol sa mga inosenteng indibidwal bunsod na rin ng paggamit ng ‘false confessions’ sa korte para maparusahan ang mga wala namang kasalanan.

Inoobliga sa panukala na sa lahat ng interogasyon na gagawin sa mga hinihinalang suspek ay kailangan mai-record.

Sa ilalim din ng HB 4341 o mas kilala bilang “Preventing False Confessions Act of 2012” ay layong maiwasan ang paggamit ng mga peke o maling admisyon ng mga kasalanan sa korte.

Sa ilalim ng panukala, ang ‘electronic recording’ ay nangangahulugan ng audio o visual recording na tunay, tama at hindi nagalaw o naiba ang custodial interrogation o pagtatanong na ginawa ng mga otoridad at kasagutan ng mga nasasakdal.

Bukod dito, ang ca­mera sa isang detention ay kailangang tuloy-tuloy na nakatuon pareho sa interrogator at sa iniim­bestigahang suspek.

Ang Philippine National Police (PNP) ang magbabantay at magtitiyak na ang mga electronic recording requirements ay nasusunod ng mga interrogating officer.

ANG PHILIPPINE NATIONAL POLICE

BUKOD

CAMARINES SUR REP

DATU ARROYO

GAGAWIN

GLORIA ARROYO

PAMPANGA REP

PREVENTING FALSE CONFESSIONS ACT

SA HOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with