MANILA, Philippines - “No media interviews.”
Ito naman ang inilabas na kautusan ni Sereno sa kanyang pagsisimula ng panunungkulan.
Sinabi ni Sereno na posibleng maapektuhan ang kanilang operational matters kung pagbibigyan ang mga kahilingan ng iba’t ibang media organizations para sa interview.
Mas marami aniyang kaso at bagay na dapat na pagtuunan ng pansin ng kanyang mga tauhan upang maisakatuparan ang kanilang tungkulin na mabigyan ng hustisya ang mga nararapat.
Iginiit din nitong hindi naman political branch of government ang hudikatura kaya dapat malaman ng publiko na iba ang sistemang kanilang ipinatutupad.
Sa ngayon, inamin ni Sereno na tambak na ang request na panayam ng media sa kaniyang tanggapan mula noong Sabado, ang araw na nanumpa siya bilang pinuno ng hudikatura.
Gayunman tiniyak ni Sereno na may itatalaga siyang dibisyon sa SC na siyang mabibigay ng impormasyon tungkol sa SC.
Makikipagpulong din siya sa mga hepe ng dibisyon upang maibigay ang totoo at nasa oras ang kailangang impormasyon.