Amb. Brady sa China posibleng palitan - DFA

MANILA, Philippines -  Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang posibilidad na palitan si Philippine Ambassador to China na si Amb. Sonia Brady.

Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na posibleng palitan na si Amb. Brady dahil na rin sa kanyang kalusugan.

Inamin ni Sec. Del Rosario sa ambush interview sa Libingan ng mga Bayani, na hindi pa din nakakapagsalita si Amb. Brady matapos itong ma-stroke kamakailan sa Beijing, China.

Aniya, posibleng iuwi na rin si Amb. Brady sa bansa sa susunod na 2 linggo kapag bumuti na ang kondisyon ng kinatawan ng bansa sa China.

Idinagdag pa ni Del Rosario, wala pang napipisil na puwedeng pumalit kay Brady bilang ambassador ng Pilipinas sa China.

Samantala, inamin din ni del Rosario na pinag-iisipan na ni Pangulong Aquino ang pagpapabalik sa mga barko natin sa Panatag Shoal.

Show comments