Davao del Sur, niyanig ng 6.6 na lindol
MANILA, Philippines - Niyanig ng 6.6 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Davao del Sur linggo ng hatinggabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa may silangan ng Sarangani sa Davao del Sur.
Bunsod nito, naramdaman ang pagyanig sa lakas na intensity 4 sa Davao City at intensity 2 sa South Cotabato at Koronadal City.
Matapos nito, nakapagtala naman ng isa pang pagyanig na may lakas na 3.3 magnitude sa silangan ng Cateel Davao Oriental ganap na alas 5:48 ng umaga kahapon.
- Latest
- Trending