Labi ni Robredo dadalhin ngayon sa Basilica

MANILA, Philippines - Ilalagak ngayon ang labi ni DILG Sec Jesse Robredo sa Basilica Minore de Nuestra Senora de Penarafrancia sa Naga City mula sa Naga City Hall.

Bukas naman sa publiko ang pagsilip sa labi ni Sec. Robredo mula alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ngayon.

Sinabi ni Usec. Abigail Valte, magdaraos ng misa mamayang alas-6 ng gabi ang buong Archdioses para kay Robredo, ayon kay Archbishop Leonardo Legaspi ng Nueva Caceres.

Sa pag-alis ng labi ni Robredo sa City Hall ng Naga ay bibigyan ito ng departure honors gayundin ang arrival honors sa pagdating sa Basilica na pangungunahan ng full battalion ng PNP.

Bukas nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Robredo kung saan ay makikipaglibing mismo si Pangulong Aquino at mga miyembro ng Gabinete.

Show comments