^

Bansa

Igme babalik sa Phl dahil kay Julian

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bagama’t nasa Taiwan na ang sentro ng bagyong Igme, may posibilidad na bumalik ito sa kalupaan ng Pilipinas dahil sa epekto ng isa pang bagyong si Julian.

Ayon kay Connie Rose Dadivas, weather forecaster ng Pagasa, dahil kay Igme, nakataas pa rin ang storm warning signal no. 2 sa Batanes Group of Islands at signal no. 1 naman sa Calayan at Babuyan Group of Islands.

Alas-11 ng umaga kahapon, si Igme ay namataan sa layong  225 kilometro ng hilaga hilagang kanluran ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng ha­nging 130 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 160 kilometro bawat oras.

Samantala, ang bag­yong Julian ay huling na­mataan sa layong 1,040 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

Mas malakas ang taglay nitong hangin kaysa kay Igme na umaabot sa 150 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 185 kilometro bawat oras.

Bagama’t hindi inaasahang direktang tatama sa kalupaan ang nasabing mga weather systems pero paiigtingin ng bagyong Igme at Julian ang habagat na siyang magpapa-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa, kasama na ang Metro Manila.

AYON

BABUYAN GROUP OF ISLANDS

BAGAMA

BASCO

BATANES

BATANES GROUP OF ISLANDS

CALAYAN

CONNIE ROSE DADIVAS

IGME

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with