Security aides sasanayin sa rescue
MANILA, Philippines - Dapat na isama sa training ng mga security aides ng mga opisyal ng gobyerno kung paano sumagip ng buhay tulad ng pag-rescue, first aid at iba pang emergency action para na rin sa karagdagang proteksyon sa mga opisyal.
Ayon kay Isabela Rep. Rodolfo Albano, sa isang trahedya dapat handa rin ang security aides at iba pang close-in staff ng isang public official habang nasa isang emergency situations.
Giit ni Albano hindi dapat sisihin si Senior Insp. June Paolo Abrazado dahil sa pagkamatay ni DILG Secretary Jesse Robredo matapos ang plane crash.
Base umano sa salaysay ni Abrazado, nang magkaroon siya ng malay ay hindi na niya makita si Robredo at napansin na nito na ang tubig ay nasa loob ng eroplano kayat pinipilit nitong alisin ang kanyang seatbelt subalit hindi na nito magalaw ang mga kamay.
Paliwanag pa ni Albano, nakakatulong ang kaalaman, skills and confidence sa basic rescue techniques na maibahagi sa security aides na ang tanging kaalaman lamang ay ang pagbibigay ng proteksyon sa isang opisyal.
Kabilang sa basic life saving training ay water safety tulad ng pagsagip sa nalulunod, first aid at maging ang basic life support tulad ng Cardiopulmunary Resuscitation or CPR.
Ito ay dahil sa karaniwan umano na ang security aides ang palaging kasama ng isang government official sa kanilang mga biyahe lalo na sa mga lalawigan at rehiyon.
- Latest
- Trending