^

Bansa

Publiko puwede sa Palasyo

- Rudy Andal - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bubuksan sa publiko ang burol ngayon ni DILG Secretary Jesse Robredo sa Palasyo ng Malacañang.

Sinabi ni Communi­cations Group Usec. Ma­nolo Quezon, minabuti ng binuong komite na na­ ngangasiwa sa funeral arrangements ni Sec. Robredo na iburol sa Kalayaan Hall ang yumaong kalihim dahil na rin sa malaki ang lugar.

Ito ang kauna-una­hang pagkakataon na may ibuburol na yumaong miyembro ng Gabinete sa Kalayaan Hall.

Wika ni Usec. Quezon, sasalubungin ni Pa­ngulong Aquino ang bangkay ni Robredo sa Ma­lacañang ngayong alas-11 ng umaga kung saan ay bibigyan siya ng arrival honors ng Presidential Security Group (PSG) at bibigyan din ito ng 19-gun salute.

Itinakda naman ang public viewing sa labi alas-7 hanggang alas-11 ng gabi matapos ang memorial service ng DILG at attached agencies nito.

Mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Sabado ay bukas naman sa publiko ang pagsilip sa labi ng kalihim sa Kalayaan Hall kung saan ang publiko ay padadaanin sa Gate 7 ng Malacañang.

Ibabalik naman ang labi ni Sec. Robredo sa Naga City Hall sa Linggo ng umaga at ililibing ito sa Martes matapos ang ‘state funeral’ nito. 

AQUINO

GROUP USEC

KALAYAAN HALL

MALACA

NAGA CITY HALL

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

QUEZON

ROBREDO

SECRETARY JESSE ROBREDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with