^

Bansa

Amyenda sa batas pinamamadali

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakiisa na rin ang isang oposisyon Congressman sa mayorya sa panawagan na madaliin ang panukalang pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Sa privilege speech ni Camarines Norte Rep. Elmer Panotes, nanawagan ito sa kanyang mga kasamahan sa Kamara na ipagpatuloy ang kanilang legislative work para i-review ang konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly.

Ang deklarasyon ni Panotes ay bilang suporta sa panawagan nina House Speaker Feliciano Belmonte at Senate President Juan Ponce Enrile  para sa agarang aksyon ng Kongreso sa panukalang pag-amyenda sa Saligang batas.

Giit pa ng mambabatas, ang Kongreso ay kasalukuyang tinatapos ang nakatalagang trabaho para sa lehislatura kayat hindi sila maaaring akusahan na inaabandona ang kanilang trabaho kabilang na rito ang pagtugon sa problemang pang-ekonomiya na kinakaharap ng bansa.

Paliwanag pa ni Panotes, tama rin sina Belmonte at Enrile sa pagsasabing ang mahigpit na economic provisions ng 1987 Constitution ang siyang salarin sa pagpapabagal sa gobyerno na maitaas ang mabilis na pagreporma sa ekonomiya ng Pilipinas.

vuukle comment

BELMONTE

CAMARINES NORTE REP

CONSTITUENT ASSEMBLY

ELMER PANOTES

ENRILE

GIIT

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KONGRESO

PANOTES

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with