Medical condition ni GMA beripikahin - Belmonte
Manila, Philippines - Hinikayat ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang mga independent doctor sa bansa na tulungan ang gobyerno na beripikahin ang tunay na medical condition ni Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.
Ito ay matapos na irekomenda ni Dr. Roberto Anastacio ng Makati Medical Center na kailangang mag-abroad ang dating pangulo para kumuha ng second opinion at mas epektibong medical treatment.
Partikular na binanggit ni Dr. Anastacio ang mga bansang Australia at Estados Unidos kung saan matatagpuan ang kinakailangang medical equipment at facility para gamutin si Arroyo.
- Latest
- Trending