^

Bansa

Pamilya ni Robredo umaasang buhay pa ang kalihim

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Umaasa ang pamilya nang nawawalang si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na buhay pa ang kalihim na posibleng nakalabas at nakalangoy lamang umano patungo sa isang isla bago tuluyang bumagsak sa malalim na bahagi ng karagatan ang eroplanong sinasakyan nito sa Masbate City noong Sabado.

Sinabi ni Jun Labadia, tagapagsalita ng pamilya Robredo, nabuhayan ng pag-asa ang pamilya ng kalihim base sa pahayag nang nakaligtas nitong aide de camp na si Sr. Inspector June Paulo Abrazado na wala na sa kanyang upuan ang kanyang boss nang balikan siya ng ulirat at magsimula ng pumasok ang tubig sa bumagsak na Piper Seneca plane.

Sa isang television interview naman sa anak na babae ng kalihim na si Aika, pinasalamatan nito si Pangulong Benigno Aquino III sa puspusang search operations ng pamahalaan para maha­nap ang kanyang ama at ang dalawang pilotong kasama nito.

Sa pahayag naman ng kapatid ni Robredo na si Butch, sinabi nito na walang mahalaga sa kanilang pamilya kundi maibalik lamang ang katawan ng kalihim.

Samantala, sinabi naman ni Col. Felix Castro, Commander ng Army’s 903rd Brigade at Operations Chief ng Task Force Kalihim na aabot sa 400 ang nagsasagawa ng search mission kina Robredo at dalawang piloto.

vuukle comment

FELIX CASTRO

JUN LABADIA

MASBATE CITY

OPERATIONS CHIEF

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PIPER SENECA

ROBREDO

SR. INSPECTOR JUNE PAULO ABRAZADO

TASK FORCE KALIHIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with