Manila, Philippines - Sa ikatlong magkakasunod na taon, hinirang ng Hong Kong-based na publikasyon na FinanceAsia ang BDO Unibank, Inc. (BDO) na Best Bank sa Pilipinas sa taong 2012.
“Habang ang pautang ay hindi gaanong gumalaw sa Pilipinas, napanatili pa rin ng BDO Unibank ang kanyang above-industry performance sa nakaraang 12 buwan na nakapagpataas ng pautang nang 23 porsiyento kumpara sa industry average na 18 porsiyento.
Ang nasabing dedikasyon sa merkado, sa kabila pa man ng naghihirap na ekonomiya, ay ang dahilan kung bakit napanatili ng bangko ang kanyang market dominance,” ayon sa Country Awards For Achievement 2012 report ng FinanceAsia.
Bukod sa pag-uuwi ng pinakamataas na parangal, ang BDO ay hinirang din ng banyagang publikasyon bilang Best Foreign Bank ng bansa para sa kanyang “palagiang pangunguna sa FX dealer charts.”
Ang subsidiary ng BDO, ang BDO Capital and Investment Corp. (BDO Cap), samantala, ay nanalo ng dalawang awards – bilang Best Investment Bank at Best Bond House – dahil sa kanyang ginampanang papel sa pinakamalalawak at pinakamagagaling na capital markets transactions at significant bond deals sa Pilipinas sa nakaraang 12 buwan. Ang BDO Cap ay isang consistent winner ng Best Investment Bank award mula pa noong 2006.