^

Bansa

Bagyong Igme nagbabanta

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Tuluyan ng naging ga­nap na bagyo ang binabantayang active low pressure area (LPA) na namataan sa Aparri, Cagayan.

Ayon kay Aldczar Aurelio, PAGASA weather forecaster, alas-10 ng umaga nang maging ganap na bagyo ang nasabing LPA na tinawag na Bagyong Igme.

Dahil dito, itinaas na sa public storm warning signal no. 1 ang Isabela at Cagayan. 

Base sa weather advisory ng kagawaran, hu­ling namataan si Igme sa layong 280 kilometro sa silangan timog-silangan ng Aparri, Cagayan at tinatahak ang direksyong pa-kanluran. 

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna. 

Inaasahang mapapa­lakas ng bagyong Igme ang Habagat, na magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Luzon at Kanlurang Visayas. 

Asahan din na magdadala ng aabot sa 5-15 milimeter per hour na dami ng ulan ang nasabing bagyo.

Nag-isyu na rin ang PAGASA ng gale war­ning para sa mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot dahil sa malakas na alon. 

Gayundin, sa mga ma­babang lugar at gilid ng bundok na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

ALDCZAR AURELIO

APARRI

ASAHAN

AYON

BAGYONG IGME

DAHIL

GAYUNDIN

HABAGAT

IGME

KANLURANG VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with