Kawanggawa ipinapaalala ng Eid Al-Fitr sa mga Pinoy - Binay

Manila, Philippines -  Sinabi kahapon ni Vice President Jejomar Binay na dapat maalala ng lahat ng mga Pilipino sa Eid Al-Fitr na pasa­lamatan ang Diyos “sa pamamagitan ng pamamahagi ng pagmamahal, awa at kawanggawa sa mga nangangailangan.”

“Ipinapaalala ng Eid Al-Fitr sa ating mga kapatid na Muslim na pasa­lamatan ang Maykapal sa mga ibinibigay niyang mga biyaya sa pamama­gitan ng pagmamahal, awa at pagtulong sa mga nangangailangan,” sabi ni Binay sa isang pahayag.

Pero paalala rin anya ito sa lahat ng mga Pilipino, ano man ang kanilang paniniwala.

Umaasa rin si Binay na higit pang mauuna­waan at matatanggap ng mamamayang Pilipino ang iba’t-ibang paniniwala habang pinapanatili ang pagsisikap na mabuo ang bansa.

Show comments