12,500 aplikante sa PMA
Manila, Philippines - Aabot sa 12,500 ang naitalang aplikante sa gaganaping annual entrance examination ng Philippine Military Academy sa darating na August 26 ng taon.
Ayon kay Col. Arnulfo Burgos, Jr., spokesperson ng AFP, naghahanda na ang buo nilang tropa para maging maayos ang nasabing pagsusulit kung saan naglaan na sila ng 37 testing center sa buong bansa.
Sinabi ni Burgos, ang average daily rate ng applications na pumapasa ay 400, ngunit inaasahan ng akademya ang 3,000 hanggang 5,000 walk-in applicants sa itinakdang araw ng eksaminasyon.
Noong nakaraang taon, may 15,873 aplikante ang kumuha ng PMA admittance test kung saan 1,120 ang nakapasa at 123 itinanghal na appointed cadets.
Umaasa ang PMA sa pagtaas ng bilang ng mga aplikante kasunod ng pahayag ni PMA Supt. Major Gen. Nonato Peralta Jr., hinggil sa pagpapalit ng minimum height requirement sa mga aplikante mula sa 5’0 inches, lalaki o babae. Mas pinababa sa height requirement mula 5’4 para sa lalaki at 5’2 sa babae.
- Latest
- Trending